Págibig Sa Kapwâ (Luke 6:37-38 Judging Others)
Anóng págibig pa ang híhigít kayâ, kung iká’y dakilang mágmahál sa kapwà? Anóng ugalî pa ang híhigít kayâ, kung ang gawain mo’y tumulong sa kapwà? Anóng ligaya rin ang híhigít kayâ, kung ang kabutihán ang ipinúpunlâ? Anóng gantimpala ang híhigít kayâ, sa ‘yóng kabanalan, walâ na ngâ, walâ? Kung magpápatawad sa mga may utang, sana’y limutin n’yó, nagíng pagkúkulang, silá’y lumálapit, waláng mákapitan, ang kaniláng mukhâ ang sinásangkalan. Mga kapús palad, inyóng tangkilikin, mga maralitáng, waláng mararatíng, silá ang kawawâ na dapat hilahin, sa gipít na landás, silá ay akayin. At sa Panginoon ay magpasalamát, kung ‘dî nakatikím ng buhay na salát, kung ‘dî ka naghirap, at ‘dî nabagabag, it’s time na tumulong, give it back, give it back! Kung may nagawâ mang isáng kabutihan, huwág sanang mágbago, sana ay pakinggan, mayroon kang brownies sa Poóng Máykapál, ipágpatuloy mo, itó’y kabanalan. Kung ang paghíhirap, sagád at sukdulan, tayo’y manalangin, Diyós ay tawagin, Siyá ang huwaran, Siyá ang katwiran, Diyós ng pág-ibig, Siyá’ng kailangan. Kung nanánahimik, waláng magágalit, kung nagsásayá man, ligaya ay tigíb, sa nakatátandâ, tayo ay gumalang, silá’ng tanging gabáy nitóng daigdigan. Kung kayó'y húhusgá, dapat ay malaman, na ang títimbangín, sana'y hindî kulang, inyóng kapwà tao, kahit mahirap lang, nagsísikap siláng mabuhay ng marangál. Kayâ huwág humatol, ng ‘dî mahatulan, sapagkát ang buhay, ‘dî mo nalálaman, sa gulóng ng palad, puwesto’y nagbábago, ‘dî habang panahón, iká’y nasa trono. Batô batô sa langit, tamáa’y huwág magágalit, itóng sinásabî’y isâ lamang kathang isip, anóng págibig pa, ang híhigít kayâ, págibig sa kapwà, walâ na ngâ, walâ?